Posted in Random Ramblings

Bumi-Bea Alonzo

“Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?”

Yan mismo nararamdaman ko. Bakit parang kasalanan ko? Ang mali ko lang naman siguro eh yung napa-SL ako ng isang linggo dahil sa iniinda kong sakit sa likod ko. Ni hindi ko pa nga kasalanan yun dahil hindi ko ginusto yun.

Tapos pagbalik ko, tataasan mo ko ng boses dahil nagtanong ako ng isang bagay na dapat naman eh malaman ko. Wednesday mo pa pala alam ang sagot. Ni hindi mo man lang ako finollow up. Absent lang ako pero nakakabasa pa rin ako at nakakaintindi ng email. Sana finorward mo agad. Para sana hindi na ko nagtanong sayo.

Nakakairita. Ngayon ko lang naman nalaman lahat. Pero bakit parang kasalanan ko na lahat?

Advertisements
Posted in Random Ramblings

Adíos! 

Gusto kong magpaalam na lang ngayon sa mundo. Bakit ba andito pa ko? Pano ba mawala? Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa? Di ko na kaya demands ng buhay. Ayoko na. Suko na ko. 

Posted in Random Ramblings

Sana nandun kami para matulungan siya. Nung unang beses kong nalaman yung mga plano nya, hindi ko masabi sa kanya na, “Gags. Deliks yan. Hindi solid yung plano mo, bro.” Kasi, my gosh, sobrang hindi talaga. Umalis siya ng walang siguradong pupuntahan na ang dala lang eh one-way ticket na parang wala talaga siyang balak bumalik. Ang ending? Mag-isang buwan na, naghahanap pa rin siya. Gusto ko siyang tulungan. Gusto kong maglaunch ng isang malaking project na ang sole purpose eh matulungan siyang hanapin yung hinahanap nya. Nagbibiro lang naman ako nung jinoke kita pero baka magkatotoo na magpapasundo ka samin sa Hunyo a-trenta. June 30, 2019 ang sabi mo samin. Oo, miss ka namin pero okay lang naman na wag mong paagahin. Gusto ko pa ring sabihin sayo na, “Gags. Deliks yang ginawa mo. Walang solid sa plano, bro.”