Posted in Random Ramblings

Kelan ba

Gusto ko na lang mamatay na. Pagod na pagod na ko kakaintindi sa mundo. 

Advertisements
Posted in Random Ramblings

Adíos! 

Gusto kong magpaalam na lang ngayon sa mundo. Bakit ba andito pa ko? Pano ba mawala? Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa? Di ko na kaya demands ng buhay. Ayoko na. Suko na ko. 

Posted in Random Ramblings

Sana nandun kami para matulungan siya. Nung unang beses kong nalaman yung mga plano nya, hindi ko masabi sa kanya na, “Gags. Deliks yan. Hindi solid yung plano mo, bro.” Kasi, my gosh, sobrang hindi talaga. Umalis siya ng walang siguradong pupuntahan na ang dala lang eh one-way ticket na parang wala talaga siyang balak bumalik. Ang ending? Mag-isang buwan na, naghahanap pa rin siya. Gusto ko siyang tulungan. Gusto kong maglaunch ng isang malaking project na ang sole purpose eh matulungan siyang hanapin yung hinahanap nya. Nagbibiro lang naman ako nung jinoke kita pero baka magkatotoo na magpapasundo ka samin sa Hunyo a-trenta. June 30, 2019 ang sabi mo samin. Oo, miss ka namin pero okay lang naman na wag mong paagahin. Gusto ko pa ring sabihin sayo na, “Gags. Deliks yang ginawa mo. Walang solid sa plano, bro.”

Posted in Poetry

Mga basang unan

Noong iwan mo ako ng walang pasabi, o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi. 

Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. 

Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit. 

Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso.

Kaya… inaraw-araw ko ito.

Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo. 

Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa.  

Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun, mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mga mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita.

Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong gabing tanungin mo ako kung pwede pa ba? Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandun ka pa.

At nagdurugo ako. At nagdurugo ako. At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita.”

Mahal kita. Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang mababasa ko: Mahal kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad kong gan’to, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito, naglalamig na sila. Mahal kita. At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa tinagal-tagal nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal kita. At sa tinatagal-tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, magsasara na sila. Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay mahal kita.

Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan. Dahil lahat sila ay akin nang naiyakan at nag-iwan ng mga kwento natin. Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal pala kita, na mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati.

Pero mahal, masakit pa.”

Juan Miguel Severo

Posted in Letters Unsent

Rubbed, raw, and reeling

This is probably the worst Day 1 of all Day 1s. 

It was surreal. I am still wishing (and desperately hoping) that someone would slap me in the face and wake me up from this deep sleep I am in. I don’t know, maybe to wake up in that corner of the room we used to share, just lying in the bed, and I will tell you casually, “I had a really bad dream” and begin narrating scene by scene, frame by frame. 

I know this isn’t a dream though. This my reality now. A reality that I have to face without you. A reality with just me and no one else. I still feel hurt. But deep inside my emotional and very broken state, I am happy that you finally got the space you begged me for. 

I felt like I cried all the tears that I could shed inside my system. I’ve been asking the same questions over and over in my head. I kept blaming myself for what happened. I am stranded at one place with no idea what to do next or where to go. 

I feel broken and shattered into tiny irreparable pieces. Reminds me of the time  when we’re pushing and pulling each other because we both know that we can’t be together. Factor that in then double the pain. That’s how broken I am right now. Of all the wounds I ever had, this will probably take the longest time to heal. Sadly, there were no scientific cure to at least numb myself from the excruciating pain. 

Today, I’ve put my stuff back inside the cabinet. They’re back to where they were originally placed before I started packing them to bring it over to your place. I can’t sleep because the moment I close my eyes, I see that vivid image of the place we shared. Every corner of the place we used to call “ours” is etched inside my memory. I open my eyes and find myself crying for the nth time. 

I am not okay. But I know I will be. Someday.