Posted in Nothingness

Balemtayms

I never liked Valentine’s Day. It’s not because I’m bitter or single, I just don’t like the idea of being extra sweet to that special someone because well, you’re supposed to. 

Aren’t you guys supposed to be celebrating your love every day? Aren’t you guys supposed to make your partner extra special every day? Aren’t you guys supposed to make them feel that they are loved every day? 

Yes, flowers are cute and chocolates are sweet. But personally, I prefer those sweet little effort from someone to make me smile. I prefer those random cute handwritten notes (no matter how short). I prefer spontaneous movie dates, cooked breakfasts, brunch on weekends, dinners, and long bus rides. 

Kung bigas pa siguro yan, or libreng pagkain, or libreng pamasahe… yun. Ganyan na mga gusto ko. Yung siguradong makakatipid ako. 😀 

Happy Balemtayms, everyone! 🙂 

Posted in Nothingness

My gaaahhd…

Nagkamali ata ako. Tama ba ‘tong pinili ko? Masyado yata akong nag-“grab the next best thing.” 

Pero hindi din naman. Kasi pinag-isipan ko naman siya. Okay naman talaga. Meron lang talagang Queen Bee na di naman deserving. Lakas lang mangbully eh mas madami nga pwede silipin sa hindi niya pagsunod sa policies. Naglitanya pa siya, for once daw sumunod naman kami sa policies. Hala… Right back at you, man. 

My gaaaahhd…

Posted in Nothingness

Kabado si girl 

Meet the family na ata sa Sabado. Excited ako, oo. Gustong-gusto ko sila mameet. Pero tangina girrrrl. Kakaba 😦 Di pa naman ako masyadong bihasa sa Project People. Naituro sakin, oo. Napraktis ko din naman kahit papano. Pero di pa ko bihasa. Kumbaga, nasa training stage pa lang ako. Paano kung di nila ako gusto? Pero sana naman hindi ganun ang sitwasyon. 

Di ko masabi sa kanya, pero sobra-sobra niya kong pinasaya sa ginawa niya. ❤

Posted in Nothingness

Limang buwang wala ka(yo)

Five months ago, nagfile ako ng resignation letter sa boss ko. Excited akong umalis noon. Nagdala pa ko ng signpen sa 1:1 meeting namin, kasi kilalang-kilala ko yung hilatsa ng bituka ng amo kong yon. Di siya agad-agad pumipirma ng resignation letters. Kaya ako nagdala. Para wala siyang kawala. Oo, ganun ko kagustong umalis noon. Feeling ko nung time na yun, prepared na ko. Emotionally, physically, spiritually. Lahat na. 

Di ko namimiss ang trabaho kasi yun nga ang rason kung bakit ako umalis. Pero sobrang miss na miss ko na yung mga tao. Limang buwan na ako dito pero nag-aadjust pa rin ako. Namimiss ko nang mainis at alam kung kanino ako lalapit na station para magrant lang ng kung anu-ano. Namimiss ko yung buhay ko doon. Naging bahay ko naman kasi for five years. Kumbaga, para akong nakipagbreak, tapos nasa moving on stage pa lang ako. Sobrang miss ko na yung kumpanya. Pero ito yung tipo ng miss na wala naman akong balak balikan kasi masaya ka na sa bago. Miss mo lang talaga, ganun.