Posted in Poetry

Mga basang unan

Noong iwan mo ako ng walang pasabi, o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi. 

Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. 

Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit. 

Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso.

Kaya… inaraw-araw ko ito.

Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo. 

Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa.  

Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun, mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mga mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita.

Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong gabing tanungin mo ako kung pwede pa ba? Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandun ka pa.

At nagdurugo ako. At nagdurugo ako. At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita.”

Mahal kita. Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang mababasa ko: Mahal kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad kong gan’to, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito, naglalamig na sila. Mahal kita. At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa tinagal-tagal nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal kita. At sa tinatagal-tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, magsasara na sila. Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay mahal kita.

Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan. Dahil lahat sila ay akin nang naiyakan at nag-iwan ng mga kwento natin. Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal pala kita, na mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati.

Pero mahal, masakit pa.”

Juan Miguel Severo

Posted in Poetry

Poetry | 04.15.16

Milk and Honey

“I do not want to have you

to fill the empty parts of me. 

I want to be full on my own. 

I want to be so complete,

I could light a city. 

And then,

I want to have you. 

Cause the two of us combined

could set it on fire.

— Rupi Kaur

Posted in Poetry

Spoken poetry | 04.12.2016

Unrequited love poem (on watching someone you love, love someone else)

You will be out with friends

when the news of her existence

is accidentally spilled all over

your bar stool. Respond calmly

as if it was only a change in weather,

a punch line you saw coming.

After your fourth shot of cheap liquor,

leave the image of him kissing another woman

in the toilet.


In the morning, her name will be

in every headline: car crash, robbery, flood.

When he calls you, ignore the hundreds of ropes

untangling themselves in your stomach.

You are the best friend again. When he invites

you over for dinner, say yes

too easily. Remind yourself this isn’t special,

it’s only dinner, everyone has to eat.

When he greets you at the door, do not think

for one second you are the reason

he wore cologne tonight.


Someone told you once: 

Soulmate is not the person who makes you the happiest,

but the one who makes you feel the most. 

Who can conduct your heart to bang the loudest,

Who can drag you giggling with forgiveness 

from the cellar they locked you in. 

It has always been him.


In his kitchen, he will hand-feed you

a piece of red pepper. His laugh

will be low and warm and it will make you

feel like candlelight. Do not think this is special.

Do not count on your fingers the number

of freckles you could kiss too easily.

Try to think of pilot lights or olive oil,

not everything you have ever loved about him,

or it will suddenly feel boiling and possible

and so close. You will find her bobby pins

lying innocently on his bathroom sink.

Her bobby pins. They look like the wiry legs

of spiders, splinters of her undressing

in his bed. Do not say anything.

Think of stealing them, wearing them

home in your hair. When he hugs you goodbye,

let him kiss you on the forehead.

Settle for target practice.


At home, you will picture her across town

pressing her fingers into his back

like wet cement. You will wonder

if she looks like you, if you are two bedrooms

in the same house. Did he fall for her features

like rearranged furniture? When he kisses her,

does she taste like new paint?


You will want to call him.

You will go as far as holding the phone

in your hand, imagine telling him

unimaginable things like you are always

ticking inside of me and I dream of you

more often than I don’t.

My body is a dead language

and you pronounce

each word perfectly.


Do not call him.

Fall asleep to the hum of the VCR.

She must make him happy.

She must be

She must be his favorite place in Minneapolis.

You are a souvenir shop, where he goes

to remember how much people miss him

when he is gone.

Sierra DeMulder

Posted in Poetry

Poetry is love

I have no words.

I cannot even begin to express how much I love poetry and its marvelous existence. This may sound weird because some people would rather listen to music whenever they’re happy, or sad, or shattered, or broken into tiny irreparable pieces. While most of those people I know find comfort through the lyrics of a love song, I find calmness and embrace through the words of a poem.

I don’t have a favorite poet though. Just like I don’t have a favorite song or singer. I’ll just read one poem, marvel at its meaning, read it again, and soon I’ll find myself quoting lines from it (like how most people do with songs).

Poetry is my song. If only I can put them all together in a playlist and have them on loop, I would listen to it all day long.

On second thought, I do have a favorite poet. She’s not really a world-famous poet though, but her works are my favorite. Especially if they’re addressed to me.

Posted in Poetry

Spoken poetry | 04.10.2016

Sampung Bagay na Natutunan Ko Mula sa mga Umiibig

Una, napakatamis ng mga simula, ng mga umaga na ang bumubungad sa’yo ay ang kanyang mukha. 

Nag-aalmusal ka ng kilig at pag dating sa gabi ay baon mo siya hanggang sa paghimbing. 

Dito, dito mo matutuklasan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti, ng ibang kamay na humahawi sa iyong buhok, ng mga mata na sumisisid sa iyong kaluluwa.

Pangalawa, napakadaling maging kampante, at masanay sa pagmamahal. 

Ang malunod sa kapangyarihan ng kami, ng tayo, ng atin. Pero paano naman ang kanya? 

Paano naman ang ako? Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo.

Pangatlo, mapapagod ka.

Pero pang-apat, ang tunay na pag-ibig ay hindi dapat sinusukuan, di ba?

Pang-lima, ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat, kapag ang mga pakpak na binigay nito sa’yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin. 

Kapag ang langit na dati’y nilipad mo ay naging kulungan na, na nasa iyo naman ang susi at kandado pero ayaw mo pa ring panglisanin.

Pang-anim, ang pinakamabagsik mang apoy ay mamamatay. Maghanda ka sa sakit. Pero wag kang mag-aalaga ng galit.

Ito ang pang-pito, iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito. Iiwanan ka nitong abo.

Pang-walo, maghanda ka sa wakas.

Pang-siyam, alam ko parang hindi ka pa talaga handa sa wakas. Wala naman kasi yatang nagiging handa sa wakas eh.

Pero pang-sampu, andyan ang wakas. Sa wakas mahalin mo pa siya, sa tingin, sa tanaw, mula sa abo na iniwan ng dati niyong apoy, mahalin mo pa siya.

Pero kapag ang pakpak ng dati nyong pag-ibig ay naging gapos na, kapag ang langit na minsan mong nilipad ay naging kulungan na, mahalin mo siya sa huling pagkakataon.

At pagkatapos, bitaw na.

Juan Miguel Severo